Si Lola
Sa edad na nobenta'y syete, ay tila kamangha-mangha
Sa hagdan, kaya pang mag-akyat-baba

Kaya pa niyang humawak ng sariling kutsara
At kumain ng nakasanayang adobo at tinola
Si Lola
Sa maghapon ay walang gawa
kundi matulog, kumain at pagmasdan ang bintana
Sa darating na dapit-hapon ay magsisindi ng kandila
sa harap ng altar ay luluhod at magaantanda
Si Lola
Nabuhay upang ang mga anak ay punuin ng pag-aaruga
Ngayon ay wala lahat, matagumpay na't mga dalubhasa
Binhi ng pagmamahal at kasipagan sa kanila'y ipinunla
Siyang tanging yaman na maipagmamalaki sa madla

Ngayon ay wala nang makilala
Maging anak, apo at kung sino mang dumalaw sa kanya
"Pagpapasensyahan ninyo ako dahil ako'y matanda na" aniya
Sa sarili niya, paghingi lamang ng tawad ang tanging magagawa
Si Lola
May busilak na kalooban at matatag na pananamplataya
Kaya't sa araw-araw, ang umaga ay pinagkakaloob sa kanya
At tinatanggap niya ito ng buong puso at ligaya
Na makikita mo kahit sa larawang aking kuha
Mahal ko si Lola at sa kanya ako'y tunay na humahanga
Dahil kung ako ang nasa kalagayan niya
Isang dakilang Ina na tila baga inabanduna
At nabubuhay lamang na parang nauupos na kandila
Kumpara sa kanya ako'y lubos na mahina
At sa dapit-hapon mas nanaisin ko pa
Na ipinid ang aking mga mata at ituwid ang dalawa kong paa
Upang makamtan na ang ligaya sa piling ng Poong Ama

7 comments:
naalala ko tuloy ang lola ko... pero kahit matanda na siya hindi niya nakalimutan name ko... hanggang sa namatay na siya...
ganda nito... pati na ung kuha sa photo
Salamat Jon... Ikaw yata ang paboritong apo eh.. (^.^)
naalala ko rin lola ko d2.
mgnda mensahe!
Salamat sa'yo kaibigan... :)
ganda, ang husay.
may pinaghuhugotan, i remembered my grandma with this. nakakamiss ang lutong bahay ni nanay.
Salamat sa pagbisita... :)
Post a Comment