My Restless Purple Ink
this site the web

EDSA-GUADALUPE-TULAY

Pasado 8:30 ng umaga nang bahagya akong maalimpungatan sa aking nakaw na pagtulog. Bahagya kong inunat ang aking paa sa aking pagkakaupo habang ginagalugad ng aking mumukat-mukat na mga mata ang paligid. Nagmistulang paradahan ang harap ng Museo ng Makati. Sala-salabid ang mga sasakyan bawat kanto may nakaumang na transportasyong sumisimbulo sa estado ng bawat mamamayang Pilipino. Walang gumagalaw at kahit pilitin walang paraan para ang mga ito ay makausad.

Inayos ko ang kuwelyo ng suot kong uniporme. Hinigit ko ang laylayan ng aking palda upang matakpan ng bahagya ang aking mga tuhod. Tiningnan ko ang aking mga katabi sa jeep na byaheng EDSA-Guadalupe-Tulay. Katabi ko ay binatang taimtim na nagbabasa ng kanyang notebook habang nakatitig sa kawalan. Marahil ay may exam sya ngayon. At kapag hindi lumuwag ang trapikong ito, malamang mahuhuli siya at hindi makakakuha ng exam. Katapat ko ay isang matandang lalaki na may dalang malaking bag. Nakasilip sa kanyang bag ang isang lagari. Marahil ay mabigat ang dala ni manong contruction worker. Kung hindi sya agad makakapasok sa trabaho mababawasan ang kanyang karampot na sweldo at malamang maging sanhi pa ito ng pagkatanggal sa trabaho.

 

Purple Followers

free counters