My Restless Purple Ink
this site the web

Mga liham ni Gabriella #1 : Insecure at bitter...

Bestfriend Cheena,

Huy! Kamusta na ang donya? Kelan ba ang kasal nyo mag-iisang taon na yang inaanak kong si Chona, mag-pakasal na muna kaya kayo bago pa masundan yan. Miss na kita, kelan ba tayo magkikita ulet at magpapakalasing sa sama ng loob. Aba eh, nung huling nagkasama-sama yata tayo nina Felice at Cesca at umuwi ka ng nagtatahi ng kalsada eh nabuo si Chona ah. Mag-set ka ulet ha at tatawagan ko sila.

Ako, ewan ko ba kung ano nanaman ang pumasok sa utak ko, bes. Siguro ay gusto ko lamang maghinga ng kababawan sa buhay. Kung may bote nga lang ako dito ng Red Horse eh naipukpok ko na sa ulo ko. Kaso hindi naman matatapos dun ang problema magkakabukol lang ako. Si Jake kasi, (oo kami pa din hanggang ngayon) hindi ko na talaga maisip ang takbo ng utak nya. Wala naman ako mapagkwentuhan kasi hindi naman nila maiintindihan ang sitwasyon ko. Kayo lang naman nakakakilala ng buong pagkatao ko.
 

Purple Followers

free counters